Sa panahon ng handaan at kasiyahan, may mga taong nakakaranas ng palpitations, iregular na tibok ng puso, pagkahilo, at hirap sa paghinga. Ito ay maaaring senyales ng Holiday Heart Syndrome, isang kondisyon na maaaring mangyari dahil sa sobrang alak, puyat, at stress.
Mag-ER agad kung makaranas ng:
• Bigla o hindi regular na tibok ng puso
• Paninikip ng dibdib
• Pagkahilo o pagsusuka
• Hirap sa paghinga
• Biglaang panghihina
Huwag balewalain ang sintomas, mas ligtas ang maagap na pagpapatingin lalo na ngayong papalapit ang New Year celebrations.